eula's echos
| my gang... DAGANG...Ü |check out: | kirs | | met | | keo | | cheeky | | orian |
|
|
|
 |
|
Friday, October 14, 2005
lasjkfhpaoncelkmzxncpauwef;kmnacsdofhasodjcn;,amnfpawuefb;skldmf
wala lang.. marunong pa pla akong mag type... haha! nagamit ko din ang natutunan ko sa tutorial shark text crapness [sa mga hindi nakaka alam, yun ay isa sa mga yahoo games..] eniweys... wala akong masabi...
sem break na!!! aym sow hapi! dadating ang lola ko in a few hours at... 2 lang ang make up duty ko!!! bwahahahah!!!! yun lang.
wala na kong masabi...
| yun lang... hehe... sori matagal ang update |
Posted at 11:10 pm by eulasantos
wala lang...
Friday, June 10, 2005
grabe.. naisip ko lang... pag pasok ko 2 years nalng tpos trabaho na... ay kent weyt! hehe... gusto ko nang magsarili at kumita ng sarili kong pera.. ayoko na kasing humingi ng pera sa mga parents ko.. gusto ko ako naman manlilibre sa kanila.. dabah.. hehe... at gusto kong magkaron ng sarili kong bahay.. pero kahit condo muna o kya apartment.. yung mag isa o kya may kasaman mga friends.. para masaya dba.. yon.. nangangarap.. grabe nkaka excite.. wala lang. wala akong masabi e...
medyo badtrip ako ngayn.. pero medyo lang. d ako naka tulog mabuti e.. kasi wla ako sa sarili kong kama. at d pa ko kumakain. 12:05 na ng tanghali at d pa ko kumakain... hehe.. tpos may badtrip pa na nangyari.. basta.. secret na namin ni chay yun.. hehe... dba chay?? hehe. yon... wla akong masabi.. sayang naman oras kung tutunganga lang ako.. atleast ito productive... kahit konti... atleast may nbabasa kyo dba.. hehe..
gusto ko mag kwento kya lang tinatamad ako... next time nlang.. hehe..
| blah blah blah... wla tlaga kong masabi... parang sponge na ulo ko... may CJD na ata ako... *moo* |
Posted at 01:50 pm by eulasantos
wala lang...
Wednesday, June 08, 2005
dahil maraming nag comment na puro reklamo nlang ako sa buhay... isusulat ko naman ang mga magagandang nangyari sakin sa mga nakalipas na mga araw...
1. umulan. malamig. konti.
2. nandito ko sa pasig. dsl.
3. ang daming kainan sa medical city. subway. max's. kitaro. red ribbon. kamayan. etc.
4. may coffee shop sa waiting area ng ICU.
5. may load ako sa globe at sun. wla nga lang batt yung 6150
6. malapit na capping.
7. malapit na birthday ko.
8. kumain ako ng adobo [with cream cheese]. sarap.
9. nakapag drive ako. [pero syempre wla pa rin license]
10. malapit na birthday ko. [nasabi ko na yun? a.. edi maganda para alam mo]
11. naka tapos na ako ng 1 libro. da vinci code. ok naman.
| yan.. ok na? hehe.. wla kong maisip. next time uli. tutulungan ko pa gumawa ng blog ang pinsan ko. |
Posted at 01:58 pm by eulasantos
wala lang...
Monday, May 23, 2005
grabe... mtapos ang 2 linggong impyerno... d parin ako nakakatikim ng bakasyon... akala ko pa naman makaka punta na ko sa beach... o kahit san na makakalimutan ko ang mga nangyari sa nakaraang mga linggo... pero hindi...
marami nang hindi nangyayaring maganda sa buhay ko... kailangan ko lang naman ay makaalis... pero maraming hadlang... nandyan na yun hindi pwede mga kasama mo... tinatamad sila... wlang pera at kung ano ano pang mga dahilan...
nakakainis. kung kelan mo kailangan ang mga bagay, dun hindi pwede. parang sinasadyang hindi mo makuha...
hindi tlaga pwedeng maging masaya ng walang kapalit na hindi maganda...
minsan akala mo ok na... kala mo forever ka nang masaya pero hindi pwede... lahat ng bagay may kapalit... kung masaya ka ngayn, bukas humanda ka na...
yoko na... masyado nang bitter ang labas ko nito... masayahin naman ako tlaga... dito ko lang nilalabas ang mga "galit ko sa mundo"... hehe... sori... tao lang... next time uli.. pag may oras...
| grrrr... beach... hinahanap ng katawan ko ang beach... sana naman makapag beach ako... |
Posted at 11:08 pm by eulasantos
wala lang...
Monday, May 09, 2005
last day ng lecture namin sa microbio... for some reason nalungkot ako... siguro dahil nagagalingan ako sa prof namin... oo... magaling siya... taga ateneo e... (at mahirap saking aminin 'to dahil galing ako sa LaSalle.. oo... ma-pride kami..) magaling siya mag explain at magpatawa... sayang... konti lang ang prof namin na ganon ka galing... sana lahat nlang ng prof namin katulad nya... yung isang siga sana mag transform at maging katulad nya... sino yung isang 'yon? sino pa? edi si ms. p*o*i... hehehe... pero syempre imposible... pero ok lang... libre naman mangarap e...
last day ko na din na wlang art app dahil bukas mag uumpisa na ang "learning experience" ko sa art... sana lang may matutunan akong mga bagay na magagamit ko sa trabaho ko... diba... para hindi naman masayang ang perang pinang bayad ko sa 3 unit subject ko na yan... at diyan nakasalalay ang future ng aking nursing career... bakit? dahil kung hindi ko maipasa yang subject na yan ay hindi ako makakapag capping... 'wag naman sana akong pabayaan ni God...
next week... DUTY na!!! yehey! hehehe... pero hindi masyadong masaya dahil ang gagawin alng namin sa hospital ay kumuha ng vital signs, mag toothbrush at maghilamos ng mga pasyente dahil yun pa lang ang mga pwede namin gawin... hehehe... bawal pa kami sa lahat... ok lang... at least mas ok naman ang uniform namin kesa sa ibang schools...
| haaayyy buhay.... kakapagod... pero kailangan mag tiis... walang madali sa mundo... ang matulog lang... |
Posted at 08:22 pm by eulasantos
wala lang...
Tuesday, May 03, 2005
ang daming kailangan gawin... sabay sabay... puro mahihirap... wla nang energy ang katawan namin... baka mag collapse nlang kme bigla... pero wlang mgagawa... nursing e... tiis lang para pag graduate magpapakasarap nlang ako sa gabundok na pera... at magsasayang ng gas paikot sa garahe ko... (dream sequence over)...
back to reality... sabi nga ng mga matatalinong tao... "kapag may tiyaga, may nilaga..." kei payn...
sana kayanin namin ang mga paghihirap... sana... i wish... pagdasal nyo nalang kami...
| grabe... kailangan namin ng something to look forward to... para naman sumaya ang summer namin... kung summer ngang matatawag 'to... kahit isang beach lang... sige na pleeeeeaaaaaassssseeee...... |
Posted at 08:46 pm by eulasantos
wala lang...
Wednesday, April 20, 2005
9:45 na pero d pa ko umaalis ng bahay... 1030 ang pasok ko pero dapat umaalis na ko dhil nsa tahanan ako ngayn at malayo pa ang lalakbayin ko ng tricycle... ayokong nalelate pero ngayn parang trip ko... microbio lab naman e... wala naman daw bawas pag absent... bawas lang sa dangal dahil pag pumasok kang late ay mapapansin ng prof mo... d ka naman papahiyain... gagawin ka lang punchline...
may bago nang pope... si pope benedict XVI... haaaayyy... totoo na nang wla na c pope john paul II... d ko parin feel na wala na sya... sayang... sya pa naman ang nakagisnan kong pope... pero ok na din... hirap na sya e... sana ok yung bagong pope... sana kagaya sya ni PJPII...
nagugutom ako... nagccrave ako ng mushroom and cheese sa jalibi... d ko alam bakit pero yun na ang kinain ko kahapon... cguro may gayuma sa akin ang jalibi... nga pala, masarap ang bagong mango caramel nila... bibigyan ko ng 10 out of 10... ganon kasi ang gusto ko... hardcore na matamis... at napakain ako ng mango kahit may pagka allergic ako dun...
| yan lang muna... d ko parin tlaga maatim na ma-late... ok lang mag hintay wag lang magpahintay... d ako filipino... d ako sumusunod sa "filipino time"... |
Posted at 10:57 am by eulasantos
wala lang...
Tuesday, April 19, 2005
grabe ang araw na ito... wala kong ginawa kundi matulog... kung d naman natutulog, inaantok at hindi nakikinig sa prof... bakit kaya antok na antok at pagod na pagod ako? d ko din alam...
kagabi, medyo puyat ako... hindi pala medyo... puyat pala... mga 230 na ko natulog... 9 ang bedtime ko kaya mga ganong oras ay tulog na ang utak ko...
pag gising ko, 10 na... hala... 1130 ang pasok ko... usually kahit puyat ako, nagigising parin ako ng 630 ng umaga... bakit? para tumilaok cguro ako... pero kanina, hindi ako nagising... bakit kaya... talo pa ng antok ko ang hangover sa pag inom ng simply sleep... pero masaya... dahil for the first time in 2 weeks naka tulog ako ng mahimbing ng hindi umiinom ng pangpa tulog... hindi sa adik ako sa pangpa tulog kundi dahil marami akong iniisip at hindi na ako makatulog ng walang tulong mula sa nasabing simply sleep...
nagbihis ako agad at pumuntang school... tnext ako ni kirsten ng 11 ng umaga at sinabi nyang andun na daw sya... lagot... dapat nandun na ko ng ganong oras dahil dapat gagawin namin ang lab activity (pag gawa ng streak plate ng e.coli) na hindi namin nagawa sa bacteria namin dahil finlush ko sa toilet ang culture ng group ko... bakit? dahil sa kabobohan. at halatang hindi ko na naman inintindi ang mga pinagssabi ng mga tao... haayyy... uulit tuloy kami... (sori groupmates)
pag dating ko sa school hindi ko maintindihan kung bakit pawis na pawis ako... oo alam kong summer pero hindi ako ganon pawisan ng dahil sa init lang... ang tagaktak ng pawis ko kanina ay natalo pa ang pagpapawis ko pag nagggym ako... at hinanap ko si kirsten sa boung college bldg... syempre dagdag pawis... pero ok din un... exercise... naka libre ako ng gym... hehehe... tipid ng php160... umakyat ako sa rum at wala parin sya dun... nagkita kme ng mga 1135 sa rum at sinabi nyang nsa kubo sila ni igi... kaya pala hindi ko sya nakita... hehe...
nung microbio namin, bigla naman akong inatake ng allergy... tumagaktak din ang sipon ko at kumati ang mga mata ko... syempre kasama na din dun ang pagiging "cranky"... pakiramdam ko din ay nilalagnat ako pero sabi naman ni kirs, hindi daw.. ganon lng tlga sabi ni em... pag may sipon ka, feeling mo may lagnat ka na din... at dahil hindi ko na kinaya ang allergy ko ay uminom ako ng antihistamine... lagot. dapat hindi ako umiinom nun dahil nakakaantok yun... at hindi ako pwedeng antukin dahil may klase kme ng mga oras na yun at hanggang 630 pa akong may pasok... pero syempre matigas ang ulo ko kaya uminom parin ako... ayan tuloy nagmuka akong bangag...
habang nakikinig ang mga kaklase ko, ako lumilipad ang utak... syempre dahil pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag matulog... ok 'to... matinding laban... buti nalang at natapos kami ng maaga at naka tulog ako kahit sandali sa upuan... pero syempre bitin parin kaya hilong hilo ako buong araw at lasing sa antok...
pagkatapos kumain, umakyat kami agad at natulog sa nursing skills room... buti nalang at may "hospital ward" dun at may mga kama... sakto pa ang aircon sayo... ang badtrip nga lang ay may katabi kang putol na kamay ng isang dummy na sinira ng ibang mga masasamang estudyante...
natulog kami nila em at kirs... pinagkasya namin ang mga katawan namin sa isang kama... at single bed iyon... ang galing no... eniweys... pag dating ni ms pyoki, syempre walang gumising samin... ayan tuloy... absent pa kami... ampness...
habang nglelecture c ms pyoki, lumilipat na naman ang utak ko... inaantok pa kasi ako dahil bitin ang tulog ko at pakiramdam ko ay umeepekto pa ang gamot na ininom ko... pero syempre tinitiis ko nlang... buti nalang nag break... ayos! 30 mins na tulog uli... hehe... at medyo ok ang mga sumunod na nangyari... medyo maaga kami na dismiss pero nagpraktis at nag miting ang group ni kirs at em... ako, humiga at natulog... sayang din ang 1 oras na yun kung hindi ko itutulog... pag gising ko masungit daw ako sbe ni kirs... "cranky" pa nga daw... o sya, masungit na nga...
pagkatapos ay nagkita kami nila choochay (umakyat sya sa room dahil nainip sya sa select sa paghintay samin)... sinundo namin si ekang at nag dinner kami sa inasal... syempre masaya dahil namiss namin c choochness at dahil dun nalang uli namin nakasama c ekang... hehe.. ang saya! reunion... nag picture picture kami.. hehe... walang hiya hiya amp... walang pakialamanan.. hehe.. malas nga lang si em dahil pag uwi nya ay wala nang trike sa village nila... ayos. nilakad nya mula gate ng alabang hanggang bahay nila... ang galing mo em... idol na kita...
| ang haba ng sinulat ko no.. ok lang yan... sinisipag ako ngayn e... chaka binasa mo naman e... at masaya ko... nag dinner ako kasama ang study group... sana maulit ng madalas... sa friday malamang... review na namin for midterm exam e... pagpalain sana kami... |

Posted at 04:22 am by eulasantos
wala lang...
Sunday, April 17, 2005
napaka unproductive ng araw na 'to... at ilang araw na kong ganito... unproductive... dapat cguro yun na ang family name ko... eula unproductive... atleast nag iisa ako... syempre tumanga na naman ako... pero ok lang... may karapatan naman akong mag relax ngayong mga panahon na 'to dahil may pasok ako... oo may pasok ako... pero hindi dahil bumagsak ako... may pasok ako dahil required... microbiology and parasitology at foundations of nursing ang subjects ko... ok naman... magagaling ang mga prof... swerte pa nga kme sa prof namin sa microbio dahil magaling sya magturo... matalino sya at hindi boring... sa FON naman si ms pyoki... ok naman... naiintindihan ko naman ang lessons... nakakaantok nga lng tlaga ang oras ng subject na yon... next week duty na kami... 6-1230 ang duty ko sa parañaque med... T TH ata... (sa mga gustong mgpa admit, sa ganyang araw kyo para lagot kyo sakin... joke... ) excited na ko... d lang halata...
* ok naman ang summer na 'to... kayang lagpasan... may mga tumutulong sakin na 'di bumigay e... ang study group... (salamat sa inyo... kirs, em, ekang) wag lang kami tatamarin... *
nababaliw na ko... maraming iniisip... pero kaya pa... andyan pa naman ang mga kaibigan ko... salamat kirs sa pagdamay sakin kagabi... salamat talaga... sumasaya naman ako kahit konti... kaya pa... i will survive...
kailangan ko na i-edit ang mga entries ko... naguguluhan na ko masyado... saabi nga ni keo "Meron tayong tinatawag na spacing... " sori keo... hayaan mo ieedit ko na din... d nga lang katulad ng iyo dahil mangmang ako pagdating sa mga ganito pero gagawin ko lahat ng makakaya ko...
nagugutom ako... kailangan ko ng comfort food... munchkins, ice monster, chocolate, sushi, beef terriyaki, kahit ano... basta pagkain... buti nalang mag eesau kme ni ian mamaya... sasaya na naman ako ng konti...
| hanggang dito nalang at kakain na ko ng pinakamamahal ko na esau... salamat sa pagbabasa..|
Posted at 07:43 pm by eulasantos
wala lang...
Wednesday, March 23, 2005
wala kong masabi... hehehe... masaya ako pero hindi dapat... pero magpapakasaya ako habang hindi ko pa alam ang results ng battery exam... masaya ako dahil wala akong make-up class... (kala ko 6 yun... hehehe)... at magppnta kme beach!!!! BEACH!!!! BEEEEEEEECH!!!! BEEEEYATCH!!!! BITCH!!!!! (ek... iba na pla un...) eniweys... yun nalang ang nagpapakasaya sakin sa mga panahon ngayn... ang beach na yan...
| wala na ko paki kung san mang beach... basta may dagat... at kasama ko ang mga kaibigan ko... ok na... OK na OK na... |
Posted at 11:53 am by eulasantos
wala lang...
|
|
|